5 Bagay na pinagkaiba ng gusto at Mahal

        Meron pag kakataon na nalilito tayo sa ibig sabihin ng gusto at mahal pano kung sabihan ka ng gusto o mahal kita?

1.   GUSTO mo siya kasi maganda/Pogi,talented matalino .etc.
            MAHAL mo siya kahit bungi yan maganda/pogi parin sa panigin mo
 
 
      2.  Sa harap ng taong GUSTO mo na hihiya ka pa bebe ka.
          Sa harap ng taong MAHAL mo comfortable ka at lantaran bigay na bigay.
                   
   
     3.       Pag kakataon lang ang nag tatagpo sa inyo ng taong GUSTO mo. nakasabay mo sa jeep kaso                  pababa na siya.
              Gagawa ka ng pagkakataon at oras sa taong MAHAL. tipong kahit busog ka tara kaen tayo.

 
4.      GUSTO, pag nasayo na parang kulang pa, gusto mo nga diba? example gusto ko pumuntang mall           nasa mall ka na gusto mo parin ba?
               MAHAL, na sayo na nga parang hindi ka pa makapaniwala, todo ingat ka pa,
 
5.  GUSTO mabilis magbago
           MAHAL hirap baguhin


 GUSTO kita? MAHAL kita? linawin mong maigi sa sarili mo kung gusto mo o mahal mo ang isang tao
 pero pwede naman sa gusto ma punta sa mahal, development tawag jan. meron din naman nag simula sa hindi niya gusto pero in the end minahal niya iba iba yan.
image credit :hd4desktop.com
        Bakit nga ba single ka pa? ano ba sa tingin mo problema sayo bakit hangang ngayun ay hindi ka pa nag kakaroon ng gf/bf. edi pag usapan na yan eto 5 dahilan bakit single ka pa.

1.HIGH STANDARDS at MAPILI.


              Eto pinaka kalimitan dahilan kaya single ka pa. sabihin natin ang pag pili ng boyfriend at girlfriend ay parang pag bili ng t-shirt, ano ba gusto mo? kulay blue, 100% cotton my picture ng ahas nakaen ng saging ang tatak guess. ang choosy mo naman GUESS pa tatak ng gusto mo. at ang tanong jan bagay naman ba sayo? sana nakuha niyo punto ko. pag mas madami kang hinahanap na katangian sa isang tao mas kokonti ang yun pag pipilian. kahit pag sesearch sa google damihan mo criteria sa hinahanap mo kokonti lang ma sesearch mo. pero decision mo parin yan kung sa tingin mo deserving ganun tao para sayo go! pero wag kang mag expect na mahanap mo agad yon.

2. TAKOT 


               Normal naman na matakot pero dahil sa takot mo. yan tuloy single ka parin daig ka pa ng tricyle. at tanong mo sa sarili mo san ka ba na tatakot. natatakot ka ba masaktan? kung ganon hindi ka pa ready mag mahal kung may nagugustuhan ka aba take a risk dapat ready ka masaktan hindi ka na batang iyakin pero kung batang iyakin ka pa. palaki ka muna hindi biro ang relasyon. kung natatakot ka naman dahil baka mangayari ulit ginawa ng ex mo. move on bigyan mo nang chance sarili mong sumaya ulit.

3. PRIORITIES 


image credit churchleaders.com
   Eto yung mga taong busy busyhan walang oras sa lovelife mga pinag lihi sa cheese. keso busy keso may aayusin ako. keso may pasok. pero choice niyo naman yan, kung ano sa tingin nio mahalaga at importante sayo, pero kapalit niyan dadating talaga ung panahon na pakiramdam mo mag isa ka tpos mag iicip ka bakit single parin ako wala bang nag kakagusto sakin mga ganyang moment. meron nag kakagusto sayo o may nagugustohan ka na hindi mo lang napapansin kasi focus ka sa mga bagay na mas importante sayo.

4. NAGKUKULONG SA BAHAY
image credits www.polyvore.com/

           Wag na mag taka kung bakit single ka parin kung nag kukulong ka naman sa bahay niyo hindi ko naman sinasabing gumala kayo nang gumala. ang akin hindi kakatok jan sa bahay niyo magging bf/gf nio. try mo mag yaya kumaen sa labas ng nagugustuhan mo wala naman masama dun diskarte mo na yan. kung wala kang pera pang date... yun lang. pero madami panaman choice makipag socialize ka wag kang gumawa nang sariling mundo mo.                      

5. AMOY MANDIRIGMA 


image Credits memecenter.com
            

        May nag kakagusto na sayo nung lumapit sayo ayaw na. bakit? isa dun kasi mabaho ka. tanong mo sa nanay mo kung mabaho ka. pero kung ginagawang mong decoration ang toothbrush mo at naging bato na ang sabon mo sa banyo. wag mo na tanong sa nanay mo. sure na yan. baka naman na ligo ka nga hindi ka naman nag palit ng damit at lalong wag na wag mong dadaanin sa pabango maawa ka sa mga kasama mo. kung gusto mag ka gf/bf dapat presentable,hygiene basic.



Bonus
  • AYAW sayo ng GUSTO mo or GUSTO mo pero AYAW SAYO
              Masasaktan ka lang pag pinilit mo, kung tinanong mo siya kung may pag asa ba at sinabi niang wala respetohin mo na lang pero doesn't mean na lalayo ka nalang bsta go ka lang hintay ka nang tamang panahon hindi natin masasabi gawing mo lang kung san ka magiging masaya.

             Choice mo kung magigigng single ka o hindi kung ayaw mo na go make a move date kung masaya ka naman na single ka enjoy sa dulo ang importante masaya ka.

         

             
             
                    
              

         
Photo credit by Cosmo.ph


Bakit nga ba halos lahat ng taong nakapalibot sa 'kin, konting kibot,
humuhugot?

Alam mo 'yon? 

Well, most of those hugots are coming from barkada, mga hugot na basta maipilit na lang. 'Yung tipong 'pag bumanat 'yung isa, sabay-sabay nyong sasabihing push mo 'yan 'te o kaya hugot

Nararanasan mo din ba 'to?

 I bet, yung taong bumabasa nito, damang dama ako. 

Tama?

Nakakatawa lang isipin kasi hindi lang sa isang tropahan hit na hit yung mga linyang humugugot. Mapa-nanay, mapa-tatay, mapa-kapatid, mapa-pinsan usong uso yan.

Madalas din akong makadinig nyan sa iba. Katabi sa jeep, kasalubong sa mall, katabing table sa fastfood chains, schoolmates, kahit yata mga professor humuhugot.

Patok sa 'kin yung mga linyang walang forever at walang happy ending.

Favorite ko 'yun sabihin sa lahat ng bagay, sumaksak na kasi sa isip ko 'yan, palagi ko ba namang marinig, maya't maya yan ang bukambibig.

But there's this one time, although hindi naman 'to first time na humugot ako ng mahaba, sadyang ito lang yung pinaka-latest, plus, hindi ko na matandaan yung iba.

'Yun na nga, naiwan kami ng shuttle, I'm with my family, partida. So merong humirit, at ako 'yun.

I admit!

Isa ako sa mga taong mahilig humugot.

Anyway, back to the story.

Sinabi ko na lang bigla, "ganun naman talaga! May mga oras na kung kailan huli na ang lahat, iniwan ka na, dun mo pa lang mare-realize na nagkamali ka."

Okay, hugot na hugot si ate. End of story.

Since major gawain ko na ang humugot, bakit nga ba?

DALAWA LANG NAMAN 'YAN E.

UnaSince madaming sawi sa pag-ibig, madaming humuhugot. Hanggang sa pati 'yung iba, nakihugot na. Trending na kasi e.

Ganun naman pag may bagong nauuso, lahat gusto maki-join. Walang magpapahuli.

Alam nyo ba yung That Thing Called Tadhana?

Nalaman ko ‘yung movie film sa isang friend. Sabi nya kasi makaka-relate daw ako at bagay na bagay daw sa ‘kin, kaya ayun, napilitan akong panuorin.

“Kung mahal mo, habulin mo, ipaglaban mo. ‘Wag mong hintaying may magtulak sa kanya palayo sa’yo. Hilahin mo. Hanggang kaya mo, wag kang bibitaw.”

“Hindi ka na niya mahal. ‘Yun na ‘yun. Anong hindi malinaw dun?” –Anthony

“Tang *** naman, sabihin naman niya kung bakit…” – Mace

“Bakit? Kapag sinabi ba niya kung bakit, may magbabago? Ang bottomline, hindi ka na niya mahal.” – Anthony

Ilan lang ‘yan sa mga famous hugot lines sa movie film at nag-trending. Dun ko na napulot ‘yung paghugot. Pati sa simpleng bagay may hugot. ‘Di na nga yata ako naka-getover sa palabas na ‘yun. Sa dami ba naman ng hugot dun, hindi maiiwasang ‘di ka matatamaan.

Pangalawa, kasi bitter. Oo tama, bitter.

Kaya lang naman humuhugot ang isang tao, kasi 'yung banat nya swak na swak sa naranasan nya o sa nararanasan nya.

Usually naman kasi ang laman ng hugot ay mga mapapait na karanasan sa pag-ibig.

Diba?

Kumabaga, para tayong nakahanap ng another way of expressing our feelings. Sa paraang medyo pabirong, seryoso, na hindi mo maintindihan. 

Atleast sa hugot, hindi masyadong obvious na may pinagdadaanan ka, kasi madalas, nagiging katatawanan na lang sa sobrang paghugot mo.

E kasi, masyado nga namang madrama 'pag nagmukmok ka lang sa isang tabi, o kaya naman umiyak gabi gabi

Kapatid, okay lang 'yan!

Atleast nailalabas. Diba?

Kaysa naman kimkimin mo lang! Edi ibanat mo na lang, nakakaluwag kaya sa puso! Plus! Nako-convert pa yung sakit into source of laughter. Natatawa pa kayo sa mga kalokohan nyo.

Sanay kasi tayong pinangangalandakan sa buong mundo 'yung nararamdaman natin.

In the end, masasabi kong yung paghugot, in some way, new form of one's defense mechanism. 'Yung sasabihin mo 'yung nararamdaman mo, in a hugot way, a less revealing way of.. alam mo na.